AH, the wonders of techonology. Gone are the days that we have to send love or hate mail to our favorite celeb or politician via snail mail. It can now be done online (for ages now, me thinks!). One of my favorite fan profiles in Facebook now is the Dear Noynoy page, where we Filipinos (or even non-Filipinos) can now send a message (thoughtful or otherwise) to the new Philippine President. I am really grateful that with the help of technology, we were able to determine the winning candidate in a matter of hours after the elections closed. With this same technology, maybe we can let our new President hear our voices and make it known the true issues of this country.If you’re interested to send Noynoy a message, just head on over to www.dearnoynoy.com. It doesn’t cost anything, who knows, he might actually read it.

yeah, that’s the power of technology. Sana lang talaga he will read those messages and try his best to deal with important issues than a normal Juan would send him.
dear Noynoy,
I am a government employee and as member of Government Service Insurance System we from the Philippine Postal Corporation hardly avail loan because our payments are not posted on time as you assume your position as President of the Philippines could you please select the best person to hold the position as President and General Manager of the GSIS.Thank you and God bless. Leola Z. Araya
Dear NoyNoy,
Isa po ako sa naniniwala sa inyo bilang presidente ng pilipinas at sana ay mabigyang pansin ang aming lugar naic cavite na ang kinabubuhay ay pangingisda sana po ay mabigyang pansin ang ang malalang pag gamit ng paputok, hullboat, at troll fishing na malayang nakakapaminsala sa ating dagat bukod sa pagkasira pati ang maliliit na isda ay di na magawang lumaki pa , at sana matulungan din ninyo kami na magkaroon ng pangkabuhay pag maykalamidad dahil karamihan sa mga taong nakatira dito ay sa dagat lamang ang alam na ikabuhay.
Maraming Salamat Po
Dear Noynoy,
Naniniwala po ako sa inyong kakayahan at malaki ang aking pananalig at kompyansa sa mga binitawan nyong salita during your inaugural speech. In fact, maligayang maligaya akong nakarinig sa inyong speech dahil naaaninag ko ang bagong Pilipinas. Alam kong mahirap maging presidente lalo na sa bansang napakaraming problema. Pero palagi ko pong ipinagdasal, na sanay hindi ka matulad sa mga naunang presidenting gumagawa ng mga katiwalian. Huwag nyo po sanang bahiran ng dungis ang pangalan ng inyong angkan na para sa akin ay THE BEST na naninilbihan sa ating bayan. Sana pangulong Noynoy, malaking malaki ang aming respeto ang expectation sa inyo… sana huwag mong biguin ang mamayang Pilipino… Handa po kaming tumulong sa inyo sa ikakaunlad ng ating bansa. Basta huwag nyo lang talikuran ang mga naapi, mahihirap at higit na nangangailangang kababayan natin… SANA PANGULONG NOYNOY… Pagpalain ka sana…….
congratulations po! sana po matupad niyo lahat ng pagbabago sa ating bansa…lalo na ang pagbibigay ng trabaho sa mga kababayan natin,dahil ako rin ay isa sa mga pilipinong nangingbang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga kapamilya ko.Pero napapag isip din ako kung hanggang kailan ba ganito laging malayo sa pamilya…
salamat po!
Dear President Noynoy,
I am a resident of Las Pinas City, and my entire family campaigned and voted for you.The passing of typhoonBasyang left a lesson on our vulnerability which was aggravated by the incompetence of certain quarters and tolerated by past administrations at the expense of our people.
To move forward needs the competence not only of the bureau chiefs such as that of Pagasa, (which disappointed you) but also of the utility monopolies such as Meralco, which showed a very dismal performance in restoring power after Basyang, which was not even a super typhoon.We had a 50 hour blackout due to their very slow service. EvenPLDT srvice was affected as telephone land lines need a little electricity for it to function. Even cell phones had no signals because their cell sites are electricity dependent. Therefore, nobody could establish anytelephonecontact for any emergenciesduring Basyang’s passing, What if it were a super typhoonn instead of Basyang? The horrifying lengths of power black-outs would have set us back furtherIt may be betterto review the Meralcoperformance rating and open th Metro Manila service area to another proven electrical power didtributor. If a survey were conducted, many comments of subscribers would be that meralco is only good at collecting dues and very prompt at cutting power to delayed paying subscribers.Good luck Mr President; I hope you have the resolve to do what is right for our people.
Dear Noynoy,
Kung kami po ang “Boss”, sana kami rin po ang masusunod kung kelan pwede tibagin ang mga kalsada. Dahil project sila ng projct sa mga kalsadang maayos naman tapos titibagin na magcocost ng traffic. Hindi nila gawin kapag bakasyon o walang pasok. Unting sira lang buong kalye sisirain. Halos madami ang di nakakpasok ng maaga, traffic, hassle talaga. Mas maraming problema ang kinakaharap. Sana kung gagawa sila ng project, kung ano ang problema ng tao un ang unahin. Hindi ung pabigla biglang proyekto. Sana mabasa nyo ito.
I dont like you as a President, pero binoto ka nla, lm hoping magawan mo ng solusyon mga problema ng Pinas para umangat na tyo. lmagine that naunahan pa tyo ng Vietnam. Yang Vat n yan dpat gawan mo ng paraan n bumaba sa 8 t0 10% dhil kung 22usin sa 5% p lng billion n knikta ng Pinas kung di lng kurakutin at lalo na ngayun yang Toll sa south or even north dapt d kasali sa Evat or Vat na yan. Hoy Pnoy, gumising ka at d ata maganda pasok mo as a President. BIR doesn’t have authority para singgilin ang mga bumabyahe sa mge toll na yan at kung gumagawa or pnaganda nla ang daan well di sagutin ng taong bayan yan kundi yong ngpagawa or goverment itself, maawa ka naman sa mga taong bayan na ngpasweldo sa inyo. lsa p yang meralco dpat byarin ng mga taong bayan yon lng ginagamit nlang kunsomo at wla ng iba. Di nman ganun sa panahon n Marcos at yang sa problema natin sa gaolina isa pa yan dpat bumalik n sa 25 pesos minimum nyan at mga iba png blhin. Grabe n tong nangyari sa Pinas at d n maganda, Hoping n kakaiba ka sa mga dumaang Prersidente at yang si gloria at iba pang presidente na kurakot at alam mo na yon kung sino pa pgbayarin mo. Make us proud para di masayang mga bumoto syo at kung ano pangako mo nun panindigan mo at ang daming grabe na mga kawawa nating kbbyan sa mga rural areas sa buong Pinas kung napanuod mo yong mga pinuntahan ng GMA news team naway bisitahn mo yon at bgyan ng pangkabuhayan or bahay.
ako po ay anak ng isang magsasaka sa Nueva Ecija, isang kolehiyo sa ikaapat na taon.Nais ko lamang po ipaabot sa ating Pangulo ng Pilipinas Noynoy Aquino ang kalagayan ng mga magsasaka sa probinsiya po namin.ngayon po ay anihan na subalit walang bumibili ng palay dahil nangingitim matapos na masalanta ng bagyong juan at ang mahigit 80% po ng palay ay dumapa.Mayroon pong kaso ng isang kapwa magsasaka po na may sakit ang anak ay ipinagbibili sa kahit magkano na lamang ang kanilang naaning palay kahit na hindi na po maabot ang puhunan na kanya pong inutang pa upang ipagamot ang anak. nananawagan po kami na sana ay inyong dinggin mahal naming pangulo. sana po ang NFA ay bilhin ang palay naming magsasaka sa presyong inyong laan na sapat para makabawi po kami. ito lamang po ang aming pinagkukuhanan ng income sa pagpapaaral po sa akin ng aking ama. non-irrigated po ang aming sakahan, sahod ulan po kaya’t minsan lamang kami sa isang taon umaani ng palay. sa bawat semestre po ay naglo-loan lamang po kami at hinihintay ang anihan upang makapagbayad. subalit ngayon po kapos na kapos po at di pa namin naabot ang puhunan na amin din pong inutang.At kagaya na lamang po ng kaso ng magsasaka po na aking nabanggit, marami pa po ang naghihirap at humihingi ng suporta sa gobyerno. sana po ay inyong pagtuunan ng pansin. Salamat po ng marami.
sana ay maalala ng ating mahal na pangulong noynoy aquino na ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. ngunit sa mga panahon na ito, mukhang kinakalimutan ng gobyerno ang pangangailangan pangedukasyon at suportahan ito lalong lalo na sa mga kapos sa kakayahan. bakit sinasabi nila na prioridad and edukasyon ngunit babawasan nila ng budget pangedukasyon…Kung pipiliin ng gobyerno na maging bingi sa pangangailangan ng kabataan, tutulak na talaga ang mga kabataan sa kalsada para maglunsad ng strike bilang makapangyarihang mensahe na tutol ang mga mag-aaral pati na rin ang mga guro sa pagpapabaya ng gobyerno sa edukasyon. Sana hindi dumating ang puntong magsisi ang nakararaming mga kabataan na magsisi sa pagkakaluklok ng bagong regimen ngayon. Nawa’y maisip nila na makakasira ng malaki para sa administrasyon ang desisyong magkaroon ng budget cut sa education. Wag ninyong hayaang mamuo ang galit at tensyon sa mga pampublikong paaralan. Malaki rin ang naging utang na loob ninyo rito upang malagay rin kayo sa pwesto niyo ngayon.
Salamat po at nawa’y makarating ito sa mga kinauukulan upang magdesisyon ng maayos para sa nakararami at upang hindi maging malala pa sa naging dating administrasyon.
Dear Noynoy, pinsan ko ba kayo ni Kris Aquino?
rofl fedhzie!
if my mom knows how to comment on blogs, she would’ve written something here as well. lol
PLEASE HELP POOR FARMERS THRU NFA FUNDING. Halos lahat ng mahihirap na mga magsasaka ay umaasa lamang sa aanihing palay para sa pang-araw-araw na gastusin. Sana makatulong po kayo sa kanila sa pagbibigay ng pondo sa NFA. Mga magsasaka po dito sa Occidental Mindoro ay mukhang nasisindikato pa ng NFA. Sana pagkatimbang po ng palay ay makuha na agad ng mga magsasaka ang bayad, hindi 15-30 days pa at wala daw pong pondo ang NFA. Please help President P-Noy. Maraming salamat po!
Sana naman po masulusyonan ang problema ng ating minamahal na mga guro. Halos kalahati po ng sweldo nila ay napupunta sa buwis. Pag tumaas naman po yung sweldo nila, tataas rin yung buwis. Wala rin. Araw-araw na rin po sila pumapasok, kahit Sabado at Linggo. Sana po magawan na ito ng paraan. Salamat po.
Dear Noynoy,
My name is Binni Monfort, and I am from Metro Manila. I welcome the UN and African Union’s new plan to arrest Joseph Kony and help the people in central Africa being affected by LRA violence. It is CRUCIAL that world leaders UNITE around this effort and ensure it succeeds. Together with young people around the world, I am asking my own nation’s leaders to commit new resources to make sure it does. Please sign the Global resolution and make your commitment known at the UN Security Council this June.
I believe that with unity amongst us and with other nations, we may be able to achieve the impossible.
LET’S STOP KONY!!!
sincerely,
Binni
Muntinlupa City
Isang magandang araw po.
gusto ko lng po mgtanong if may regularization po ba sa mga casual government employees?
coz my stepfather has been working na po sa city government ng Bago, Negros Occ. for almost 10 years and still casual employee pa rin cya. and sa haba ng panahon na serbisyo niya wala man lng ni isang pisong increase sa sahod nya. he’s only earning P168 per day na sahod if hindi ako ngkakamali. at wala din siyang bonus or other benefits as the other government employees are recieving.
Kung sino man po ang may knowledge about sa concern ko po please pakianswer na lng po.
And how i wish na mabasa sana to ng ating mahal na presidente at nang matulongan naman ang mga mahihirap sa lugar namin na ngseserbisyo po sa ating pamahalaan.
Maraming salamat po!